
Sa pangunguna ni Acting Municipal Treasurer Mariquita Placido, idinaos ang buwanang pulong ng Bulacan Association of Local Treasurers, Inc. (BALTI) sa ating bayan. Ipinakita ang mainit na pagtanggap at suporta mula sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mensahe na ibinahagi ni Punong Bayan Reynante S. Bautista sa mga kasapi ng BALTI, na nagmula pa sa iba't ibang bayan sa lalawigan.
“Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng Local Treasury hindi lang sa usapin ng pamamahala at pag-iingat ng kabang yaman ng bawat munisipalidad, lalawigan at iba pang bahagi ng istruktura ng ating pamahalaan. Naniniwala ako na ang BALTI ay naglilingkod sa ating bayan upang isulong ang paglilingkod na nagtataglay ag integridad, katapatan at panangutan bilang mga tagapaghatid ng serbisyo publiko. “
-Mayor Jowar
Kasabay nito, nakiisa rin sa programa ang mga dating Municipal Treasurer Officer. Ang nasabing pagpupulong ay naglalayong palakasin ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng mga lokal na tagapangasiwa ng pondo at ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan upang mapalakas ang financial management at pag-unlad ng mga bayan sa lalawigan.
Comentários