Sa patuloy na pagsisikap na mapalakas ang mga hakbang ng pagtugon sa mga kalamidad at krisis, isinagawa sa Municipal Conference Room ang ika-apat na Quarterly Meeting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC). Ito ay pinangunahan ni MDRRMO Ma. Lourdes Alborida at kanyang mga kasamahan.
Ang nasabing pulong ay naglalayong talakayin ang mga sumusunod na punto:
1. Reading and Approval of the Last Quarter Meeting;
2. Accomplishment Report:
- Disaster Prevention and Mitigation
- Disaster Preparedness
- Disaster Response
- Disaster Rehabilitation & Recovery
3. Upcoming Project, Program & Activities
4. Weather Update for 4th Quarter of 2023
5. Gawad Kalasag 2023
6. Other Matters
Kasama sa mga dumalo sa nasabing aktibidad ang ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, kasapi ng MDRRMC, mga kinatawan ng Civil Society Organizations (CSO), mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Angat Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Administrator Noel Alquino at ilang mga pinuno mula sa iba't ibang tanggapan ng pamahalaang bayan.
Comentários