LGU Angat, NPC, at OCD Region III, Nagkaisa para sa Dam Safety at Flood Awareness Campaign
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 2 min read
Updated: 1 hour ago

Upang mas palalimin ang kaalaman ng mamamayan ukol sa sistema ng mga dam at mapataas ang antas ng kahandaan sa banta ng baha, matagumpay na isinagawa ngayong araw Mayo 20, 2026 ang isang malawakang Information Education Campaign (IEC) patungkol sa operasyon ng Angat Dam.
Ang aktibidad ay naging posible sa pakikipag-ugnayan ng National Power Corporation (NPC) sa Tanggapan ng Punong Bayan at sa Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa ilalim ng pamumuno ni G. Carlo R. Rivera Jr., MGDH I.
Dinaluhan ang programa ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at mga kinatawan ng iba't ibang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) mula sa buong bayan.

Bilang kinatawan ng Ama ng Bayan ng Angat, Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, mainit na tinanggap ni G. Carlo R. Rivera Jr. (MDRRMO / Designated GSO / Designated Municipal Administrator) ang mga panauhin at tagapagsalita. Sumentro ang kanyang mensahe sa kahalagahan ng pagpapanatili ng matibay na relasyon sa mga nasyunal na ahensya upang makabuo ng isang mas handang komunidad.
Nagpaabot din ng mensahe ng pakikiisa si Ms. Shelby A. Ruiz, OIC Regional Director ng Office of Civil Defense (OCD) Region III, na nagpahayag ng walang-humpay na suporta ng OCD Central Luzon sa mga bayan at lungsod upang mapalakas ang kapasidad ng buong rehiyon. Nagpasalamat din si Ms. Maria Teresa L. Serra, Acting Manager ng Dams Management Department ng NPC, sa pagkakataong mailapit ang ganitong kritikal na impormasyon sa mga Angatenyo.
Napaka-informative ng serye ng mga lektyur na pinangunahan ng mga eksperto mula sa iba't ibang ahensya ng gobyerno:
DOST-PAGASA (Hydro-Meteorological Hazard and Flood Warning System): Nagbahagi ng kaalaman ukol sa pagsubaybay sa taya ng panahon at babala sa baha.
National Power Corporation (NPC): Tinalakay ang Basic Information, Technical Features of Angat Dam, Dam Instrumentations, NPC Dam Safety Program, at ang Flood Forecasting and Dam Discharge Warning Operations.
Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS): Nagbigay-linaw sa operasyon ng Ipo Dam.
National Irrigation Administration (NIA): Nag-ulat naman ukol sa operasyon at pamamahala ng Bustos Dam.
Bukod sa mga talakayan ukol sa dam, naghatid din ang Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng isang Basic Life Support (BLS) Orientation. Dito ay tinuruan ang mga kalahok ng mga pangunahing kasanayan sa pagpapanatili ng buhay tuwing may emergency o aksidente.
Ang malawakang kampanyang ito ay patunay sa patuloy na komitment ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Jowar Bautista na unahin ang kaligtasan at bumuo ng isang matatag, mulat, at ligtas na Bayan ng Angat laban sa anumang kalamidad.









Comments