top of page
bg tab.png

Unang Buwanang Pagpupulong ng Association of Tourism Officers of Bulacan


ree

Sa kauna-unahang pagkakataon, idinaos sa ating bayan ang buwanang pagpupulong ng Association of Tourism Officers of Bulacan. Layunin ng pagpupulong na ito na mas lalo pang paunlarin ang turismo sa bawat bayan at lungsod sa Bulacan. Tinalakay rito ang Tourist Arrivals, DOT Accreditation, MICE Inventory, PHACTO Programs maging ang Seminar at Trainings. Binigyan din ng pagkilala ang ating bayan bilang Rank 6 (Bulacan Top Destinations) sa Most Visited Cities/ Municipalities in the Province of Bulacan. Binisita ng ATOB ang mga ipinagmamalaking tourist attractions ng ating bayan:


•Sta. Monica Parish Church

•Casa Flordeliza Ancestral House

•Pugpog Bikers Highlands


Taos pusong pasasalamat po sa Pamahalaang Bayan ng Angat sa patuloy na pagsuporta sa mga programa at gawaing panturismo ng ating bayan. Sama-sama nating i-angat ang Bayan ng Angat! mga larawan (Municipality Government of Angat)

Recent Posts

See All
Feedback Para sa GulayAngat Festival

Nagpaabot ng pasasalamat ang Municipal Tourism Office sa lahat ng nakikiisa at sumuporta sa matagumpay na isinagawang GulayAngat Festival. Bilang paghahanda at upang mas mapaganda at mas mapaayos ang

 
 
 

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page