top of page
bg tab.png

TUTOK KAINAN DIETARY SUPPLEMENTATION PROGRAM 2025, ISINAGAWA SA ANGAT


ree

ANGAT, BULACAN — Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan laban sa malnutrisyon sa pamamagitan ng Tutok Kainan Dietary Supplementation Program 2025 na matagumpay na isinagawa sa bayan ng Angat. Ang programang ito ay inilunsad ng National Nutrition Council (NNC) upang tugunan ang lumalalang isyu ng stunting, underweight, at micronutrient deficiencies sa mga piling barangay.

Partikular na tinututukan ng programa ang mga batang may edad 6 hanggang 23 buwan at mga buntis, na kinikilalang kabilang sa mga sektor ng populasyong may mataas na positibong tugon sa agarang interbensyon sa nutrisyon. Layunin nitong mapabuti ang kalusugan ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng araw-araw na pamamahagi ng masustansyang pagkain sa loob ng 60 araw.

Ang mga barangay na naging bahagi ng programa ay pinili batay sa local nutrition profiling, kung saan natukoy ang mga lugar na may mataas na antas ng malnutrisyon. Sa tulong ng mga Lingkod Lingap sa Nayon, Mother Leaders, at ang Municipal Nutrition Action Office, naging aktibo ang partisipasyon ng mga magulang at tagapag-alaga upang masigurong hindi lamang makatatanggap ng tulong ang mga benepisyaryo, kundi matuturuan din sila ng wastong nutrisyon, tamang pagpapasuso, paghahanda ng masustansyang pagkain, at tamang kalinisan.

Ang Tutok Kainan ay hindi lamang pansamantalang solusyon, kundi isang pangmatagalang hakbang tungo sa mas malusog at mas maunlad na komunidad. Inaasahang magpapatuloy ang epekto ng programa kahit matapos na ang distribusyon ng pagkain, sa pamamagitan ng kaalaman at kasanayang naiwan sa mga pamilyang benepisyaryo.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page