top of page
bg tab.png

Masustansyang Almusal, Susi sa Aktibong Isipan at Malusog na Katawan ng mga Bata — DOST-FNRI


ree

Sa isang paalala mula sa DOST-Food and Nutrition Research Institute na ibinahagi ng Nutrisyon Angat, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkain ng masustansyang almusal, lalo na para sa mga bata. Ayon sa kanila, hindi lamang ito unang kain sa araw kundi pangunahing "panggatong" para sa katawan at isipan, na tumutulong sa pagkatuto at paglaki ng mga bata.


Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang regular na pagkain ng almusal ay nakatutulong sa mas maayos na konsentrasyon sa klase at mas mataas na akademikong pagganap.


Gabay sa tamang paghahanda ng masustansyang almusal, na binubuo ng:


  • Go foods tulad ng kanin, tinapay, o oatmeal para sa enerhiya.

  • Grow foods gaya ng itlog, isda, o gatas na kailangan sa paglaki ng kalamnan at buto.

  • Glow foods tulad ng prutas at gulay na mayaman sa bitamina, mineral, at fiber para sa malusog na immune system at digestion.


Dagdag pa rito, binigyang-pansin din ang kahalagahan ng tamang hydration upang mapanatili ang tamang temperatura ng katawan at suportahan ang mga mental at pisikal na kakayahan tulad ng memorya, konsentrasyon, at mood.


Payo ng DOST-FNRI: Gawing mahalagang bahagi ng araw ang masustansyang almusal upang masiguro na ang mga bata ay aktibo, alerto, at handang matuto sa bawat araw.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page