Nutrisyon ng mga Batang Angateño, Binigyang-diin sa MJSB sa Brgy. Binagbag
- Angat, Bulacan

- Jan 28
- 1 min read

Sa gitna ng isinagawang Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB), naging aktibo ang Pambayang Tanggapan ng Nutrisyon sa paghahatid ng kaalaman at serbisyo para sa mga bata at magulang sa Barangay Binagbag.
Pinangunahan ni Gng. Jessica Joy S. Villarama, Municipal Nutrition Action Officer, ang isang oryentasyon patungkol sa Complementary Feeding. Layunin nito na gabayan ang mga magulang ng mga batang edad 1 hanggang 4 na taong gulang sa tamang pagpapakain at pagbibigay ng sapat na nutrisyon habang sila ay lumalaki.
Personal ding nakiisa si Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista na nag-abot ng mga Hygiene Kits bilang munting handog para sa mga batang dumalo. Ang inisyatibong ito, na katuwang ang Damayan sa Barangay (DSB) at mga lokal na volunteers, ay bahagi ng adbokasiya ng pamahalaang bayan na masiguro ang malusog na pangangatawan ng bawat kabataang Angateño sa pamamagitan ng edukasyon at direktang tulong.









Comments