Naging matagumpay ang pormal na pagbubukas at Turn-over ceremony ng Angateños Pride Pasalubong Store sa isang makabuluhan na seremonya. Pinangunahan ito ng isang panalangin mula kay Rev. Lester John Cabais at naging bahagi rin ng programa ang pagbibigay ng mensahe mula kina Engr. Onofre Leonardo, Mrs. Estellie Santiago at ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista.
Ang Angateños Pride Pasalubong Store ay matatagpuan sa harap ng ating pamahalaang bayan, na nag-aalok ng iba't ibang lokal na produkto na nagpapakita ng galing at talento ng ating mga kababayan. Sa patuloy na suporta ng pamahalaang bayan, ito ay magiging isang mahalagang instrumento sa pagbibigay ng hanapbuhay sa ating komunidad.
Comments