top of page
bg tab.png

TUPAD Payout, Isinagawa

Isinagawa sa ating Municipal Evacuation Center ang pamamahagi ng tulong "TUPAD PAYOUT o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers" sa mahigit dalawandaan at limampung (250) benepisyaryo ng nasabing programa. Ito ay sa ilalim ng kabutihang loob ng ating kinatawan ng ika-anim na Distrito ng Bulacan, Cong. Salvador ADOR Aquino Pleyto

Ang mga napasama sa programa ay tutulong sa komunidad ng sampung araw sa pamamagitan ng paglilinis sa kapaligiran ng mga karatig barangay. Ang simple ngunit makabuluhang gawaing ito ay higit na makatutulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Naroon upang makiisa ang ating Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista , Vice Mayor Arvin L. Agustin, mga Sangguniang Bayan Members upang ipakita ang suporta at pasasalamat sa walang sawang pagbababa ng mga proyekto at programa sa ating Bayan ng Angat ng ating butihing Cong. Salvador "Ka Ador" Pleyto.








2 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page