Tuloy Tayo sa Paglawig sa Kaalaman, Pagpapatibay sa Abilidad, Para sa Ligtas na Bayan ng Angat
- Angat, Bulacan

- Aug 15
- 2 min read

Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pamumuno ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), ay sumailalim sa Standard First Aid Training (SFAT) na isinagawa sa pangunguna ng Philippine Red Cross – Bulacan Chapter.
Matagumpay na naisagawa ang pagsasanay na nagbigay ng bagong kaalaman at kasanayan para sa mga first responders ng Bayan ng Angat. Kasama sa mga dumalo ang mga responder at personnel mula sa MDRRMO Angat, midwife at nurses mula sa Angat Rural Health Unit at Super Rural Health Unit, gayundin ang mga kinatawan mula sa Municipal Nutrition Action Office at Municipal Social Welfare and Development Office.
Layunin ng pagsasanay na ito na paigtingin ang kakayahan at kahandaan ng mga kalahok upang matiyak na nasa mataas na pamantayan ang pagbibigay ng paunang lunas sa oras ng aksidente o emergency.
Idinaos ang apat na araw na pagsasanay mula Agosto 12 hanggang 15 ng kasalukuyang taon, na pinangunahan ng mga instructor mula sa Philippine Red Cross – Bulacan Chapter. Tinalakay sa serye ng lektura at praktikal na gawain ang Introduksiyon sa First Aid, Emergency Action Principles, Cardiac Emergencies, Airway and Breathing Emergencies, Bleeding and Shock, Soft Tissue Injuries, at iba pang mahahalagang paksa.
Sa huling araw ng pagsasanay, pinag-aralan ng mga kalahok ang Lifting and Moving techniques at nagsagawa ng simulation exercise upang mailapat ang lahat ng natutuhan. Naging maayos ang pagtatapos ng programa, na sinundan ng ebaluwasyon mula sa mga instruktor ng PRC – Bulacan Chapter.
Nagbigay rin ng mensahe si G. Rivera na binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagsasanay upang masiguro na ang bawat hakbang sa pagbibigay ng paunang lunas ay akma at naaayon sa wastong pamantayan.
Buong suporta naman ang ibinigay ng ama ng Bayan ng Angat at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Chairperson, Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista, na nagpahintulot at nagpatibay ng ganitong klase ng pagsasanay. Ito ay isang patunay ng pagpapatuloy ng Asenso at Reporma tungo sa mas ligtas at handang komunidad.
Kung kayo po ay may emergency, maaari lamang tumawag sa Angat Rescue Hotline:0923-926-3393 / 0917-710-5087









Comments