Ginanap sa Angat Municipal Gymnasium ang pagpapamahagi ng JSBEAP o kilala rin bilang Jowar S. Bautista Educational Assistance Program, kung saan inaabot ng tulong pang-edukasyon ang 380 kabataang taga-Angat. Sa kabuuang bilang na ito, 127 ang mula sa antas ng kolehiyo, 149 mula sa senior high school at 104 naman mula sa junior high school.
Ang nasabing programa ay nagpapakita ng pagtugon ng pamahalaang lokal sa pangangailangan ng edukasyon ng mga kabataan, na may mahalagang papel sa pag-angat ng kinabukasan. Ito'y nakapagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na makamit ang kanilang pangarap na makapagtapos ng kanilang mga pag-aaral.
Tumulong sa tagumpay ng programa ang Local Youth Development Council, na nagpapakita ng kanilang suporta sa pag-unlad ng kabataan, pati na rin ang Sangguniang Kabataan ng bawat barangay, na nagbigay ng kanilang aktibong partisipasyon at suporta sa proyekto, dumalo din sina Konsehal Darwin Calderon at SK Federation Pres. Mary Grace Evangelista.
Sa programa ibinahagi ng ating punong bayan, “Naniniwala po ako na ang edukasyon lagi ang pinaka magandang kasangkapan upang labanan ang kahirapan, edukasyon din po ang pwede nating maipamana sa ating mga anak at ito ay hindi pwedeng manakaw. Isa sa mga prayoridad ko ay ang mga kabataan, kaya nagsumikap ako na makagawa ng mga ganitong programa. Kahit po konti ito alam kong makakatulong at sana makatulong po ito sa inyong mga anak.”
-Mayor Jowar Bautista
Comentários