top of page
bg tab.png

Tugtugan sa GULAYAngat 2025: Mga Paalala para sa Ligtas na Gabi ng Kasiyahan



ree

Angat, Bulacan — Ilang oras na lang at magsisimula na ang pinakahihintay na Tugtugan sa GULAYAngat Festival 2025, tampok ang musika, sayawan, at masayang pagtitipon ng mga Angateño!


Gaganapin ang aktibidad sa Oktubre 17 (Biyernes) sa Rotonda malapit sa itinatayong Bagong Munisipyo sa Brgy. San Roque, at magbubukas ang gate sa ganap na 4:00 ng hapon.


Bilang bahagi ng paghahanda, muling ipinaalala ng lokal na pamahalaan ang mga importanteng safety reminders upang masiguro ang ligtas at maayos na pagdiriwang:


🔒 Sundin ang mga tagubilin mula sa ating mga security personnel at marshals📝 I-follow ang mga patakaran na ipapaskil sa paligid ng venue🎒 Bantayang mabuti ang inyong personal na gamit🤝 Magsaya nang responsable at igalang ang kapwa Angateño


Inaanyayahan ang lahat na makisaya sa gabing puno ng musika, pagkakaisa, at pag-angat ng komunidad!

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page