top of page
bg tab.png

Tugtugan sa GULAYAngat 2025, Handa na! Angat Rescue Team, Naka-Alerto!


ree

Angat, Bulacan — Bilang paghahanda para sa inaabangang Tugtugan sa GULAYAngat 2025, nagsagawa ng coordination meeting ang Angat Rescue Team sa pangunguna ni Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO) upang pag-usapan ang mga kinakailangang hakbang para sa kaligtasan ng publiko.


Sa pagpupulong, tinalakay ang:

  • Mga inaasahang sitwasyon dahil sa dami ng dadalo

  • Puwestuhan ng mga medical responders para sa mabilis na aksyon sa oras ng emergency

  • Paghahanda ng mga kagamitan at komunikasyon ng bawat response unit


Tiniyak ng Angat Rescue Team na nakahanda na ang lahat para sa ligtas, maayos, at masayang gabi ng musika at kasiyahan.


Handa na ba kayo, Angateño? Kami’y handa na ring rumesponde!

📍 Kita-kits bukas sa Tugtugan sa GULAYAngat 2025!

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page