top of page
bg tab.png

Traffic Notice



Bilang tugon sa dinadaing ng taumbayan na malubak na daan sa kahabaan ng Gen. Alejo Santos Highway (tapat ng MA Fernando Memorial School), maglalapat po ng pansamantalang solusyon ang Pamahalaang Bayan bilang remedyo sa malubak at delikadong daan. Magsasagawa po ng PAG-AASPALTO sa nasabing daan at sa kanto ng M. Valte Road at Gen Alejo Santos Highway (tapat ng Himlayan) bukas, araw ng Linggo (July 2, 2023) mula alas-7:00 ng gabi.


Asahan po ang bahagyang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa pagsasaayos ng naturang mga daan. Paumanhin po sa anumang abala na maidudulot nito.


Muli ang, ang PAG-AASPALTO pong gagawin ay pansamantalang remedyo lamang habang hinihintay ang nakatakdang REBLOCKING o pagsasaayos ng daan ng ahensya na pangunahing responsable dito—ang Depertment of Public Works and Highways.

5 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page