Sinimulan na po nating ayusin ang daan para sa tunay na pagbabago!
Matapos ang inspeksyon noong Hulyo 15 sa mga pangunahing kalsada sa ating bayan na madalas magkaroon ng mabigat na daloy ng trapiko katuwang ang mga eksperto mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA) sa inisyatiba ni Kon. William Vergel De Dios, matagumpay rin na naisakatuparan ang tatlong araw na Traffic Management Seminar.
Ang pag-aaral at pagsasanay na ito ay nilahukan ng Angat Traffic Management Office personnel, Chief Tanod ng labing anim na barangay sa bayan ng Angat, PNP Angat at ang samahan ng Anti-Crime and Community Emergency Response Team (ACCERT).
Pangunahing hinasa ang mga lokal na tagapagpatupad ng batas trapiko sa usapin ng aktwal na paglalapat ng kaalaman sa kaligtasan ng trapiko, maayos na pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon ng batas trapiko at propesyunal na kasanayan sa pagpaplano at epektibong pagpapatakbo ng sistema ng trapiko upang makamit ang ligtas at maayos na transportasyon ng mga tao at kalakal. Sa pamamagitan nito, inaasahan na higit na mabibigyan nang maayos na direksyon ang mga pangunahing daan sa ating bayan sa gayon ay maiwasan ang mabigat at problematikong daloy ng trapiko.
Comments