top of page
bg tab.png

Team Building ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat, Matagumpay na Naisagawa


Sa pangunguna ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, tagumpay na naisagawa ang dalawang araw na Team Building ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa Lago de Oro sa Calatagan, Batangas.


Ang layunin ng aktibidad ayon kay Mayor Jowar Bautista ay hindi lamang magkaroon ng cohesiveness sa mga empleyado, kundi maging ang camaraderie at pagkakaisa sa bayan ng Angat. "Ginagawa natin ito hindi para sa ating mga personal na sarili para magkaroon ng mas mahusay, maganda at epektibong pagbibigay ng mga serbisyo sa ating nasasakupan," pahayag ng ating Punong Bayan.


Nahati ang mga kawani sa anim na grupo upang harapin ang iba't ibang aktibidad na naglalayong palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan. Sa bawat laro, ipinamalas ng bawat miyembro ng grupo ang kanilang determinasyon at pagkakaisa upang maipanalo ang mga ito.


Sa kabuuan, ang nasabing Team Building ay naglalayong palakasin ang pagtutulungan at koordinasyon ng mga kawani, na naglalayong maging mas epektibo at episyente sa kanilang paglilingkod sa mga mamamayang Angatenyo.

1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page