top of page
bg tab.png

Standard First Aid Training


Sa pangunguna ng ating Mdrrmo Angat, matagumpay na naisagawa ang apat na araw na Standard First Aid Training na ginanap sa Municipal Evacuation Center, Brgy. San Roque, Angat, Bulacan. (November 21-24, 2022)


Ang mga dumalo sa pagsasanay ay binigyan ng pangunahing kaalaman patungkol sa Basic Life Support, CPR, Bandaging, Lifting, Moving at Splinting kung saan maaari nilang magamit na pangunahing lunas sa mga hindi inaasahang sakuna. Sa pamamagitan nito, magiging handa ang bawat isa sa kahit anong sitwasyon at higit na mahalaga ang buhay na maisasalba.


Nilahukan ito ng mga kinatawan mula sa Angat Kalusugan, Genetron International Marketing, Angat Water District, Angat Dev't Credit Cooperative, School DRRM Coordinator mula sa 14 na Public Schools, 3 mula Private Schools at mga Rescue Team mula sa iba't ibang barangay ng ating bayan.


Nagpahayag din ng pagsuporta ang ating Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.


Lubos po ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan sa mga naging tagapagsanay ng programa:

Donald Maniego (Bulacan PDRRMO)

Ayessha Abiol (Bulacan PDRRMO)

Rudy Cristobal (Bustos MDRRMO)

Doma Angela De Guzman (Pulilan MDRRMO)

Joven Geronimo (Pulilan MDRRMO)

Raymond Austria (Pandi MDRRMO)

Jonathan Detiquiz (Sta. Maria MDRRMO)


26 views0 comments

コメント


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page