Special Recruitment Activity for Overseas Opportunities
- Angat, Bulacan
- Sep 9
- 1 min read

Ang Public Employment Service Office (PESO)–Angat, katuwang ang 1st Northern International Placement, Inc., ay magsasagawa ng Special Recruitment Activity (SRA) sa darating na Setyembre 10, 2025, mula 10:00 AM hanggang 2:00 PM sa Unang Palapag ng Municipal Hall.
Inaanyayahan ang lahat ng naghahanap ng trabaho na makibahagi at tuklasin ang mga oportunidad para sa trabaho sa ibang bansa. Ang mga bakanteng posisyon ay makikita sa larawan sa ibaba.
Pakitandaan na magdala ng updated na résumé at itim na ballpen para sa mas mabilis na proseso ng aplikasyon.
Layunin ng aktibidad na ito na maiugnay ang mga kwalipikadong Angatenyo sa mga lehitimong trabaho sa ibayong dagat at makatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng lokal na mamamayan.

Comments