SK Brgy. Niugan, Matagumpay na Naglunsad ng KK Assembly, Edukasyon at Health Seminar
- Angat, Bulacan

- Jun 2
- 1 min read

Isang malaking tagumpay ang naitala ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Niugan sa ginanap na serye ng mga programa para sa lokal na kabataan, na may temang "Kabataan para sa Kaunlaran, Kabataan para sa Kinabukasan!"
Ang aktibidad ay naging daan para sa pagkakaisa, pagkatuto, at tapat na paglilingkod sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagsasagawa ng Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly, School Supply Distribution, at Educational Assistance Program. Layon ng mga programang ito na direktang maabutan ng tulong-pinansyal at kagamitang pang-eskwela ang mga mag-aaral sa barangay.

Bukod sa mga proyektong pang-edukasyon, naglunsad din ng isang mahalagang Seminar on Capacity Development and Early Teenage Pregnancy Awareness. Ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Rural Health Unit (RHU) sa pangunguna ni Mrs. Alice Fandiñola, at ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) sa pamumuno ni Mrs. Ludy Clemente, kasama ang buong suporta mula kay Local Youth Development Officer (LYDO) Ms. Alexies Marasigan.
Taos-pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ng Sangguniang Kabataan sa lahat ng mga nakiisa, sumuporta, at tumulong upang maging matagumpay ang malaking gawaing ito. Sa pagtatapos ng programa, muling nanindigan ang SK Brgy. Niugan na patuloy nilang palalakasain ang boses ng kabataan at sama-samang huhubugin ang isang mas maunlad na kinabukasan para sa lahat.









Comments