top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

SINGIL SA PAMILIHANG BAYAN NG ANGAT SUNDAY TIANGGE-ISANG PAGLILINAW


Isang mapagpala at produktibong araw po sa ating lahat! Pagbati po mula sa Pamilihang Bayan ng Angat, sa pamumuno po ng ating Market Administrator, Engr. Larry DC. Sarmiento.


Ang Pamilihang Bayan ng Angat ay sangay ng ating Pamahalaan sa ilalim ng pamamahala ng ating kasalukuyang halal na butihing Mayor, Reynante “Jowar” Bautista. Bahagi tayo ng istrakturang ninanais na paunlarin ng bawat namumuno sa ating Pamahalaan. Ang Pamilihang Bayan ng Angat ay naglalayon na mapaunlad hindi lamang ang kabuhayan ng bawat stall owner o vendor na ating nasasakupan kundi pati na rin ang mga mamamayan nating Angatenyo na may kaugnayan ang hanapbuhay sa kalakalan, lalot higit ang mga may produktong pang agrikultura. Isa rin sa ating pangarap sa hinaharap na maging “self-reliant at progressively operated market” na matatawag ang ating Pamilihang Bayan, kung saan nakasasabay ang lahat sa unti unting pagbabago at pag unlad nito, nakasasabay sa mga planong inilalatag gawin ng namumuno at kaagapay sa pagtuturo at pag alalay kung paano natin unti unting tatanggapin at yayakapin ang mga pagbabago na natural na magaganap kaakibat ng pag unlad. Pagbabagong hindi natin makikita kahit anong paglingon ang gusto nating gawin sa nakaraan sapagkat ang pag unlad natin ay papasulong.


Kaakibat ng ating pagnanais na mapaunlad ang estado ng ating Pamilihan at upang makatulong na maging sustainable ito, ang muling pagbabalik ng Sunday Tiangge ay ating ikinasa at binuksan noong unang Linggo ng Disyembre taong 2022, sa loob lamang ng anim na buwang pagkakaupo ng ating Mayor Jowar.


Hindi po madali ang pagkasa dito sapagkat napakadami ang gustong makakuha ng pwesto habang limitado lamang ang espasyong maari naming gamitin linggo-linggo. Isa pa, ito po ay araw ng linggo kung saan ang karaniwang mga empleyado ay walang pasok kaya limitado rin ang ating mga tauhan na nagtutulong tulong magpasa-hanggang ngayon upang mamonitor lamang ng maayos ang Sunday Tiangge at mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng lugar bago at pagkatapos ng Tiangge. Idagdag pa ang alalahanin na dapat ay maging maingat ang pamunuan. Na kailangang maprotektahan ang lahat sapakat hindi pa natatapos ang banta ng Covid noon.


Hindi po birong malasakit ang kinakailangang taglayin ng isang namumuno para lamang mapanatiling maayos ang aktibidad na ito ngunit patuloy po naming isinasa-puso sapagkat itoy bahagi ng aming paglilingkod.


Sa totohanan po, kami ay nasasaktan sa aming mga naririnig na issue o usapin regarding sa halaga umano ng mga sinisingil namin sa mga pwesto ng Tiangge. PARA PO SA KAALAMAN AT KALIWANAGAN NG LAHAT, HINDI PO KAMI NANININGIL NG P700.00

PER PWESTO sa Sunday Tiangge LALO’T TAGA ANGAT ANG NAGTITINDA. WALA PONG KATOTOHANAN ang kumakalat na balita na kami ay naniningil ng ganoong kalaking halaga sa bawat pwesto. P20.00 to P 400.00 PER PWESTO LAMANG PO ANG SINISINGIL SA MGA VENDORS KAPAG SUNDAY TIANGGE. Hindi rin po kami nagdodoble ng paniningil kung sila ay lumalagpas ng alas 12 ng tanghali sa pagtitinda. Kahit po inaabot na sila ng alas 3 ng hapon ay hindi nangyari NI MINSAN na singilin sila ng additional na bayad. Nababago lamang po ang kanilang bayad kapag special holiday gaya ng December 24 at Dec 31 at iyan po ay ALAM na nila bago pa man matigil ang Tiangge nila noon.


Ang Tanggapan po ng Pamilihang Bayan ng Angat ay may kumpletong record ng lahat ng ating sinisingil sa Tiangge. Ang bawat pwesto po na ating sinisingil ay may kapalit na cash tickets o kaya naman ay resibo na konektado sa system ng treasury. Hindi po kauubrang magpabaya sa ating mga records sapagkat bilang isang responsableng namumuno, alam po natin na may pananagutan po tayo sa COA. Intact po ang lahat ng ating documents anumang oras na naisin ninyong silipin ng personal. Bukas din po ang Tanggapan ng Pamilihang Bayan ng Angat mula Lunes hanggang Linggo sa mga nais magsadya.


Nawa po ay maging mapanuri tayo bago magbitiw ng mga negatibong salita lalo na po at wala namang tayong kongretong ebidensya na maipapakita. Ang social networking flatform po gaya ng Facebook ay gamitin natin sa mas kapakipakinabang na mga bagay. Mga bagay na makakatulong sa pag unlad ng ating mga sarili at ng pamayanang ating ginagalawan. Ito po ay responsibilidad ng bawat isa at hindi lamang po ng iilang personalidad.


Muli po, isang mapayapang araw po ng Sabado sa lahat at patnubayan nawa tayong lahat ng Poong Maykapal.


Maraming salamat po.

-PAMILIHANG BAYAN NG ANGAT

Comentarios


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page