top of page
bg tab.png

Sen. Imee, Pinangunahan ang AICS Payout para sa 949 Angatenyo


Personal na bumisita sa ating bayan ang butihing Senator Imee R. Marcos upang magbaba ng tulong sa pamamagitan ng pagbabahagi ng DSWD AICS Payout.


Ito ay isinagawa sa ating Municipal Evacuation Center kung saan mahigit kumulang 949 mamamayang Angatenyo ang naging benepisyaryo nito.

Ang programa ay pinangunahan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Vice Mayor Arvin L. Agustin, Sangguniang Bayan Members maging ang ating Cong. Salvador "Ka Ador" Pleyto. Dinaluhan din ito ng mga pinuno ng bawat barangay kasama ang mga Pinuno ng Tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Angat.


Ipinaaabot po namin ang aming taos-pusong pasasalamat kay Sen. Imee Marcos para sa inyong pagbisita sa aming bayan upang ibahagi ang tulong pinansyal para sa Pamahalaang Bayan ng Angat. Ang mga ganitong aksyon ay nagbibigay ng inspirasyon sa bawat isa upang magsikap para sa isang magandang kinabukasan at pakikipagtulungan para sa ikabubuti ng munisipalidad.


6 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page