SEGURIDAD SA MGA NEGOSYO, TINUTUKAN: Angat PNP, Bumisita sa Alfamart Brgy. Sulucan
- Angat, Bulacan

- May 3
- 1 min read

Bilang bahagi ng kampanya para sa mas ligtas na komersyo, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang Visitation of Business Establishments sa sangay ng Alfamart sa Barangay Sulucan ngayong ika-3 ng Mayo, 2026.
Ang nasabing pagbisita na nagsimula bandang alas-10:56 ng umaga ay pinangunahan ni Pat Cabusao, Patrol PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mas malawak na programa ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) upang masiguro ang kaayusan sa mga pampublikong lugar.
Ang pangunahing layunin ng pagbisitang ito ay ang patuloy na pagpapatatag ng police–community partnership. Sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa mga empleyado at mamimili sa nasabing establisyemento, nagkaroon ng pagkakataon ang kapulisan na matalakay ang mga usapin tungkol sa kapayapaan at kaayusan sa loob at paligid ng tindahan. Magbahagi ng mga tips ukol sa crime prevention upang maiwasan ang mga insidente ng pagnanakaw o holdap at dinggin ang mga hinaing at iba pang community concerns na may kinalaman sa seguridad.









Comments