SB Sta. Cruz, Nagpulong sa Ikalawang Sesyon; Road Clearing Operations, Kasabay na Isinagawa
- Angat, Bulacan

- May 18
- 1 min read

Naging produktibo ang ikatlong Lunes ng buwan para sa pamunuan ng Barangay Sta. Cruz matapos magkasabay na isagawa ang ikalawang regular na sesyon ng Sangguniang Barangay at ang road clearing operations sa mga pangunahing daanan.
Sa ginanap na sesyon, tinalakay ng mga opisyal ng barangay ang mga mahahalagang ordinansa, programa, at mga hakbangin para sa ikabubuti at ikauunlad ng komunidad.
Kasabay nito, pinangunahan din ng pamunuan ang pagpapatupad ng road clearing upang alisin ang mga sagabal sa kalsada at matiyak ang maayos at ligtas na daloy ng trapiko para sa mga residente at mga motorista.
Nagpasalamat ang Sangguniang Barangay sa kooperasyon ng mga mamamayan at muling nakiusap na panatilihing malinis at walang harang ang mga kalsada para sa kaligtasan ng lahat.









Comments