SB Niugan, Matagumpay na Idinaos ang Kanilang Ika-11 na Regular na Sesyon para sa Taong 2026
- Angat, Bulacan

- Jun 1
- 1 min read

Pormal na nagpulong ang mga opisyal ng Sangguniang Barangay ng Niugan para sa kanilang 11th Session of 2026 nitong nakaraang Lunes, Hunyo 1, 2026.
Ang pagtitipon ay pinangunahan ng Punong Barangay kasama ang mga Kagawad at iba pang mga kawani upang talakayin ang mga mahahalagang programa, resolusyon, at mga ordinansang naglalayong mas mapaganda ang serbisyo para sa buong komunidad.
Kabilang sa mga naging pangunahing paksa sa nasabing sesyon ang mga paghahanda ng barangay para sa darating na panahon ng tag-ulan, mga proyektong pang-imfrastruktura, at ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bawat purok ng Niugan.
Ayon sa pamunuan, ang regular na pagdedebate at pagpaplano sa loob ng konseho ay patunay ng kanilang patuloy na transparensya at dedikasyon na maihatid ang tapat at mabilis na tugon sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.









Comments