top of page
bg tab.png

Sangguniang Barangay ng Niugan, Muling Nanguna sa Clean-Up Drive


Muling nagbayanihan ang mga opisyal ng Sangguniang Barangay ng Niugan at mga residenteng boluntaryo para sa isinagawang Clean-Up Drive ngayong araw, May 16, 2026.


Ang aktibidad ay bahagi pa rin ng patuloy na pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa kapaligiran upang matiyak na ligtas at malayo sa anumang sakit ang buong komunidad. Tutok ang naging paglilinis sa mga pangunahing daanan, mga pampublikong lugar, at mga daluyan ng tubig sa barangay.


Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng barangay sa lahat ng nakibahagi at muling nakiusap sa mga mamamayan na panatilihing malinis ang tapat ng kani-kanilang tahanan araw-araw.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page