top of page
bg tab.png

Saludo sa mga Magsisipagtapos na Kabataang Angatenyo


Simbolo ng TAGUMPAY at KAUNLARAN ang inyong pagtatapos. Isang hudyat na nalampasan ninyo ang lahat ng hamon sa inyong akademikong paglalakbay. Ang mga gabing walang tulog at lahat ng hirap at pagsubok, sa wakas ay nagbunga na. Ang inyong pagtatapos ay isang paglalakbay at hindi lamang isang destinasyon. Ang landas tungo sa tagumpay ay hindi natatapos dito, bagkus, ito ay gumagalaw sa iba’t ibang direksyon. Anuman ang pagpapasyang inyong gagawin pagkatapos ng mahusay na tagumpay na ito, kailangan ninyong tandaan na ang edukasyon ay hindi titigil dito.

Tayo ay madadapa sa daan, ngunit ang ating mga pagkabigo o ang maling direksyon sa buhay ay magsisilbing aral upang higit kayong tumatag at matuto upang mas maging mahusay at mabuti sa pamumuhay. At habang nilalakbay ninyo ang iyong landas, patuloy na maniwala sa inyong sarili. Ipagpatuloy ang paglalakbay ng inyong buhay nang may matibay na paniniwala at ang inyong kapasidad na maabot ang isang layunin na itinakda para sa inyong sarili.

Saludo ako sa bawat Kabataang Angateño na may pusong palaban at may pagpapahalaga sa kinabukasan! Nananalig ako na patuloy kayong magsisikhay tungo sa magandang kinabukasan hindi lamang para sa inyong sarili kundi para sa bayan. Kayo ang patuloy na bumubuhay sa ating pangarap na asensado at progresibong bayan! Muli, isang pagsaludo sa inyong Pagtatapos, Kabataang Angateño! Mabuhay ang pag-asa ng Bayan ng Angat!

2 views0 comments

Comentários


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page