Safety Reminders Ipinapaalala para sa “Tugtugan sa GulayAngat Festival 2025”
- Angat, Bulacan

- Oct 16
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Hinihikayat ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang lahat ng dadalo sa “Tugtugan sa GulayAngat Festival 2025” na sundin ang mga safety reminders upang matiyak ang isang ligtas at maayos na selebrasyon.
Gaganapin ang aktibidad sa Oktubre 17 (Biyernes) sa Rotonda, malapit sa itinatayong Bagong Munisipyo sa Brgy. San Roque, kung saan magbubukas ang gate ng alas-4:00 ng hapon.
Paalala sa publiko ang sumusunod:
✅ Sundin ang mga tagubilin ng security personnel at marshals.
✅ Igalang ang mga nakapaskil na alituntunin sa lugar.
✅ Bantayan ang personal na gamit sa buong magdamag.
✅ Magsaya nang responsable at magpakita ng respeto sa kapwa Angatenyo.
Layunin ng mga paalalang ito na mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at kasiyahan ng lahat ng kalahok sa isa sa mga pinakaaabangang bahagi ng GulayAngat Festival 2025.








Comments