top of page
bg tab.png

Regular Monthly Meeting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office

ree

Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pamumuno ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I, ang regular monthly meeting para sa ikalawang semestre ng kasalukuyang taon.


Kasama sa pagpupulong sina Ma. Lourdes A. Alborida, LDRRMO III, Gladys Libunao, Admin. Assistant II, Clarence Emmanuel Alba, Steven Carlo Atienza, at Jerico Emmanuel Saligao.


Layunin ng pagpupulong na talakayin ang mga nakatakdang aktibidad para sa mga darating na buwan, at magsagawa ng assessment sa mga nagdaang proyekto, programa, at aktibidad. Layunin nito na mapabuti pa ang kalidad ng serbisyo ng MDRRMO para sa mamamayan ng Angat.


Naging aktibo ang diskusyon sa pagpupulong, at nakahanda na ang mga plano at aktibidad mula buwan ng Agosto hanggang Disyembre upang masiguro ang maayos na implementasyon ng mga programa at pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad.


Kung kayo po ay may emergency, maaari lamang tumawag sa Angat Rescue Hotline:

0923-926-3393 / 0917-710-5087

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page