top of page
bg tab.png

Purok ng Libis na Malaki at Burol, Sumalang sa Weekly Clean-Up Drive ng Brgy. Sulucan


Nagkaisa ang pamunuan ng barangay at mga residente sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive nitong Sabado, Mayo 30, 2026, na nakatutok sa dalawang pangunahing lugar: ang Purok ng Libis na Malaki at Purok ng Burol.


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na programa ng Barangay Sulucan upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas sa mga sakit ang kapaligiran ng mga mamamayan bago pa man lubusang pumasok ang panahon ng tag-ulan.



Sa tulong ng mga opisyal at mga residenteng boluntaryo, sama-samang nilinis ang mga kalsada, pampublikong espasyo, at mga daluyan ng tubig sa dalawang purok upang maiwasan ang pagbara at pag-imbak ng mga lamok.


Lubos naman ang ipinaabot na pasasalamat ng Pamunuan ng Barangay Sulucan sa lahat ng mga ka-barangay na nag-alay ng kanilang oras at lakas. Ayon sa pamunuan, ang ipinamalas na pakikiisa at kooperasyon ng mga residente ang susi upang mas lalo pang mapaganda at maisaayos ang buong komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page