Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang Sanggunian ng Pulong Yantok ay isinagawa ang Punla ng Pag-asa — isang proyektong pagtatanim nang punla sa Barangay Pulong Yantok.
Ang proyektong ito ay manipestasyon para sa isang HANDA, LIGTAS, at PANATAG na komunidad. Ito rin ay pakikiisa upang tugunan ang patuloy na lumalala na mga kalamidad na nararanasan sa hindi lamang sa ating bayan kundi pati na rin sa ating bansa.
Ang programang ito ay isa sa mga hakbang ng opisina ng MDRRM - Angat para sa mitigasyon sa mga sakuna.
Kaya angateño, sama-sama tayong magtanim para sa susunod pang henerasyon at tuloy-tuloy na pag asenso sa ating Bayan ng Angat!
Comments