Pulis-Angat, Nag-foot Patrol sa San Roque
- Angat, Bulacan

- May 28
- 1 min read
Bilang patuloy na hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga pangunahing kalsada, naglunsad ng Foot Patrol Operation o pagpapatrolya sa pamamagitan ng paglalakad ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa kahabaan ng Matias Fernando Avenue sa Barangay San Roque sa bayang ito.
Ang pagbabantay na nagsimula bandang alas-3:28 ng hapon, May 28, 2026 ay pinamunuan ni Pat John Eric Cruz (Patrol PNCO), sa ilalim ng pamumuno at gabay ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP), at alinsunod sa mga kautusan ng Bulacan Police Provincial Office (Bulacan PPO).
Inihayag ng Angat MPS na ang walang-humpay na pagpapatrolyang ito ay bahagi ng kanilang pangako na mas ilapit ang kapulisan sa mamamayan upang matiyak na laging ligtas at protektado ang bayan ng Angat.









Comments