top of page
bg tab.png

PSA, Naglunsad ng Mas Pinadaling Paraan sa Pagkuha ng Birth, Marriage, Death Certificates at CENOMAR

ree

Angat, Bulacan — Magandang balita mula sa Philippine Statistics Authority (PSA)! Mas pinadali na ngayon ang proseso ng pagkuha ng mga pangunahing dokumento tulad ng Birth Certificate, Marriage Certificate, Death Certificate, Certificate of No Marriage (CENOMAR), at Certificate of No Death (CENODEATH) sa pamamagitan ng kanilang bagong online system.


Sa ilalim ng inisyatibong ito, maaari nang mag-request ng Viewable Online na kopya sa pamamagitan ng website psaserbilis.com.ph at ipa-print ito sa pinakamalapit na PSA Civil Registry System (CRS) Outlet gamit ang DocPrint — nang hindi na kinakailangan ng appointment.


Mas Mabilis, Mas Accessible, Mas Convenient

Ang bagong sistema ay bahagi ng Civil Registry System – Information Technology Project Phase II (CRS-ITP2), na layuning gawing mas episyente at moderno ang serbisyo ng PSA sa publiko.


Viewable Online – Isang digital na kopya ng dokumento na maaaring i-access gamit ang unique access code. DocPrint – Ang opisyal na printed copy ng dokumento na maaaring makuha sa alinmang PSA outlet.


Ayon sa PSA, ang inobasyong ito ay nagbibigay ng mas mabilis, mas abot-kamay, at mas maginhawang paraan ng pagkuha ng mga dokumento — isang malaking tulong lalo na para sa mga mamamayang nangangailangan ng mga ito sa lalong madaling panahon.


Para sa Karagdagang Impormasyon

Para sa mga nais mag-request ng dokumento o alamin ang mga detalye ng bagong sistema, maaaring bumisita sa mga sumusunod na link:🔗 Public



“Dahil sa PSA, world-class na serbisyo, ihaahatid diretso sa publiko — mabilis, episyente, at makabago.”

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page