top of page
bg tab.png

PSA Bulacan, Nagsagawa ng Random Checking at Audit sa Angat Municipal Civil Registry Office

ree

Angat, Bulacan — Sumailalim ang Angat Municipal Civil Registry Office (MCRO) sa isang Random Checking and Audit na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) Bulacan Field Office kamakailan.


Layunin ng inspeksiyon at visitorial audit na ito na matiyak ang mahigpit na pagsunod ng Angat MCRO sa mga patakaran, mandato, at alituntunin ng PSA kaugnay ng tamang proseso ng civil registration.


Kabilang din sa layunin ng nasabing aktibidad ang pagbibigay ng mga rekomendasyon at teknikal na gabay para sa mas epektibong pangangasiwa at pagsasaayos ng mga civil registry archives.


Ayon sa tanggapan, patuloy ang Angat MCRO sa pagsunod sa mga umiiral na batas sa civil registration at sa pagbibigay ng maayos, mabilis, at tapat na serbisyo publiko, sa suporta at pamumuno ni Punong Bayan Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista.


Para sa mga katanungan o serbisyo kaugnay ng civil registration, bukas ang opisina ng Municipal Civil Registry tuwing Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, sa Ground Floor ng Angat Municipal Hall.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page