Protecting Community, Empowering Municipal Employees
- Angat, Bulacan

- Jul 18
- 2 min read

Bilang bahagi ng patuloy na hangarin ng Pamahalaang Bayan ng Angat na tiyakin ang kaligtasan at kahandaan ng bawat isa sa harap ng sakuna o biglaang pangyayari, matagumpay na isinagawa ang isang mahalagang pagsasanay para sa mga kawani ng munisipyo sa pakikipagtulungan ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ng Human Resource Management Office (HRMO).
Sa pamumuno nina G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO) at Gng. Pauleen Suarez-Hermogenes, MGDH I (HRMO), naisakatuparan ang dalawang-araw na training na nakatuon sa Basic Life Support – Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) with Automated External Defibrillator (AED).
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa mga pangunahing kaalaman sa pagsagip ng buhay. Higit pa rito, ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng lokal na pamahalaan na magtatag ng isang kultura ng kahandaan, malasakit, at responsibilidad sa loob ng bawat tanggapan at komunidad.
Pinangunahan ang training ng mga batikang tagapagsanay mula sa MDRRMO na sina G. Carlos R. Rivera Jr., Ma. Lourdes Alborida (LDRRMO III), Maria Lilibeth Trinidad (LDRRMO II), Gladys Libunao (Admin Assistant II), at ng buong Angat Rescue Team — mga frontliner na laging handang maglingkod sa panahon ng pangangailangan.
Nagmula sa iba't ibang tanggapan ang mga kalahok, na hindi lamang nagkaroon ng bagong kasanayan, kundi napagtibay rin ang ugnayan at koordinasyon ng bawat isa.
Kasama sa mga itinuro ang:
Introduction to First Aid
Pagsusuri sa Kondisyon ng Nasugatang Tao
Tamang Teknik sa Pagbibenda
Splinting Technique para sa bone injuries
Pagtugon sa Pagkabulol (Choking)
Pagsagip sa mga Cardiac Emergencies gamit ang CPR at AED
Sa ikalawang araw, nagkaroon ng simulation drill upang mas mapatibay ang praktikal na kaalaman ng mga kalahok at makita ang kanilang kahandaan sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang aksyon.
Lubos ang pasasalamat ng MDRRMO at HRMO sa walang sawang suporta ng ama ng Bayan ng Angat at MDRRM Council Chairperson, Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista, na laging tumatangkilik at nagbibigay-daan sa mga programang nagpapalalim sa kapasidad ng mga kawani at ng buong komunidad tungo sa isang mas ligtas at mas maunlad na bayan.
Para sa anumang emergency o insidente, agad na makipag-ugnayan sa Angat Rescue Hotline:0923-926-3393 / 0917-710-5087









Comments