Sa isinagawang Capacity Building for Project HOPE (Happiness of Older Person): Education and Training for Senior Citizen of Angat, muling nagpamalas ng kaniyang malasakit sa komunidad ang ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista. Ipinakita niya ang kaniyang pagsuporta at pagkakaisa sa programa na ito na naglalayong bigyan ng dagdag kaalaman at kakayahan ang mga nakatatandang mamamayan sa Angat.
Ito ay isang programa o inisyatiba na layunin na mapabuti ang kaginhawaan at kalidad ng buhay ng mga matatanda sa ating bayan. Layon nito ang magbigay ng pagkakataon para sa edukasyon at pagsasanay upang mapalakas ang kanilang kakayahan, tulungan silang manatiling aktibo at mapabuti ang kanilang kasiyahan sa buhay.
Ang naturang aktibidad ay itinaguyod ng mga kilalang propesor mula sa Bulacan State University (BSU) na nag-alok ng kanilang mga kaalaman at expertise upang mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga senior citizen sa bayan.
Dumalo rin sa nasabing programa ang bawat Pangulo ng senior citizen sa bayan, kung saan sila ay nagkaloob ng kanilang buong suporta at pakikiisa. Kasama rin sa dumalo ang ating MSWDO Menchie Bollas na siyang nagdala ng kanilang mga mensahe ng pasasalamat at pagkilala para sa mga nagsusumikap na itaguyod ang kapakanan ng mga senior citizen sa Angat.
Comments