MSWS Angat, Sinimulan na ang Pagtanggap ng Aplikasyon para sa Milestone Age Incentives ng mga Senior Citizen
- Angat, Bulacan

- Jan 5
- 1 min read
Binuksan na ng Municipal Social Welfare and Services (MSWS) - Angat ang proseso ng aplikasyon para sa mga Senior Citizen na magdiriwang ng kanilang milestone age ngayong taon 2026.
Alinsunod sa programa para sa mga Octogenarian, Nonagenarian, at Centenarian, ang mga residenteng magdiriwang ng kanilang ika-80, 85, 90, 95, at 100 taong gulang ay makatatanggap ng kaukulang pagkilala at insentibo mula sa pamahalaan. Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay ang mga ipinanganak noong mga taong 1946, 1941, 1936, 1931, at 1926.
Pinapayuhan ang mga pamilya ng mga naturang senior citizen na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga Barangay Senior Citizen Presidents upang makakuha ng application form at gabay sa mga kailangang dokumento. Ang mga kumpletong requirements ay dapat isumite sa tanggapan ng MSWS sa Munisipyo ng Angat. Layunin ng programang ito na bigyang-parangal ang mahabang buhay at kontribusyon ng mga nakatatanda sa ating komunidad.









Comments