Magbabayad ng mas mataas na presyo ang mga motorista para sa mga produktong petrolyo ngayong linggo, dahil magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng panibagong pagtaas ng presyo simula bukas.
Sa magkakahiwalay na mga abiso ngayong Lunes, sinabi ng Seaoil, Shell Pilipinas, at Petro Gazz na tataas ang presyo ng gasolina ng hanggang 0.95 sentimos kada litro, na siyang ikatlong sunod-sunod na pagtaas ngayong linggo.
Ang presyo ng diesel kada litro ay tataas ng 0.65 sentimos, habang ang presyo ng kerosene ay tataas ng 0.35 sentimos kada litro.
Ito ay dahil sa banta ng kakulangan sa suplay sa buong mundo na dulot ng potensyal na paglala ng kaguluhan dulot ng drone attack ng Ukraine sa mga refinery ng Russia, ang restriksyon sa produksyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC), at inaasahang tumaas ang demand ngayong tag-init simula sa ikatlong quarter ng taon.
Comments