Isinagawa sa Municipal Conference Hall ang Preliminaryong Pormulasyon ng Executive-Legislative Agenda at ng Bayan ng Angat.
Pinangasiwaan ito ng tagapagsalita mula sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) na si LGOO VI Benedict Pangan at OIC- MLGOO Mary Joy V. Nabor ng Angat.
Aktibo itong nilahukan nina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, mga konsehal na sina Kon. Andro Tigas, Kon. William Vergel De Dios, Kon. Wowie Santiago, Kon. Oca Suarez at Kon. Darwin Calderon. Kalahok din sa workshop maging ang mga pinuno ng iba't ibang departamento at ilang kawani ng Pamahalaang Bayan.
Ang ELA at Capacity Development Agenda ay ilan sa mga mahalagang dokumento ng ating bayan na nagsasaad ng mga prayoridad na proyekto at programa sa tatlong taong panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon.
Alinsunod ito sa layuning maabot ang minimithing ganap na progreso at pag-asenso ng bayan ng Angat.
Nakatakda naman ang pormal na pagsasagawa ng ELA sa kalagitnaan ng Setyembre.
Comments