Police Visibility sa Angat National High School, Isinagawa ng Angat MPS
- Angat, Bulacan

- Jul 17
- 1 min read

Upang patuloy na tiyakin ang seguridad ng mga mag-aaral at guro sa pagtatapos ng klase sa hapon, naglunsad ng Police Visibility ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa Angat National High School sa Barangay Taboc ngayong Hulyo 17, 2026, simula ika-5:52 ng hapon.
Isinagawa ang naturang pagpapatrolya at pagbabantay sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Major Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS, kasama ang mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang aktibong presensya ng kepulisan sa paligid ng mga paaralan ay naglalayong maghatid ng panatag at maayos na kapaligiran para sa buong komunidad ng paaralan.
Binigyang-diin ng Angat MPS na ang regular na visibility at pagpapatrolya sa mga paaralan ay bahagi ng kanilang walang humpay na adbokasiya na panatilihing ligtas at payapa ang bayan ng Angat.
Pinaalalahanan din ng kapulisan ang publiko na manatiling alerto at agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa oras ng emergency.
"In case of emergency, Dial 911 — the Unified Emergency Hotline available 24/7 for immediate response!"









Comments