top of page
bg tab.png

Police Visibility at Foot Patrol, Isinagawa ng PNP Angat sa Diosdado Macapagal High School

Aug 4
1 min read

Nagsagawa ng police visibility at foot patrol ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station sa Diosdado Macapagal High School na matatagpuan sa Barangay Sta. Cruz, Angat, Bulacan ngayong Agosto 4, 2026, bandang 6:51 ng umaga.


Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng pamamahala ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS. Layunin ng regular na pagpapatrolya sa mga paaralan na magkaroon ng ligtas, maayos, at payapang kapaligiran para sa mga estudyante, guro, at kawani upang makatutok sila sa pag-aaral nang walang pangamba sa kriminalidad o anumang kaguluhan.


Sa pamamagitan ng patuloy na presence ng kapulisan at pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng paaralan, muling pinagtibay ng PNP Angat ang kanilang komitment na pangalagaan ang kaligtasan ng sektor ng edukasyon sa bayan.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page