PNP Angat, Nakiisa sa Paggunita sa ika-77 International Humanitarian Law Month

Pormal na nakiisa ang Angat Municipal Police Station (PNP Angat) sa pagpapatibay ng kanilang adbokasiya sa paggunita ng ika-77 taon ng International Humanitarian Law (IHL).
Sa pamamagitan ng naturang pakikiisa, muling pinagtibay ng mga kasapi ng pulisya ang kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan, paggalang sa dignidad at karapatang pantao, at ang mahigpit na pagtalima sa umiiral na batas (rule of law) sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa Bayan ng Angat.
Ang International Humanitarian Law ay ang hanay ng mga pandaigdigang alituntunin na naglalayong protektahan ang karapatan at kaligtasan ng bawat mamamayan, lalo na sa gitna ng mga sigalot at krisis.










Comments