PNP Angat Nagsagawa ng Water Level Monitoring sa Angat River

Nagsagawa ng inspeksyon at pagsubaybay sa antas ng tubig sa Angat River ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) ngayong Agosto 9, 2026, bandang 9:09 ng umaga dahil sa banta ng umiiral na Tropical Depression.
Pinangunahan ni PCPT Mirari S. Cruz, sa ilalim ng pamamahala ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police ng Angat MPS, ang monitoring sa bahagi ng ilog na nasasakupan ng Barangay Sta. Cruz at Barangay Sto. Cristo sa Angat, Bulacan.
Layunin ng gawaing ito na alertong masubaybayan ang pagtaas ng tubig-ilog at masuri ang pangkalahatang sitwasyon sa paligid upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at ang kahandaan ng komunidad sa posibleng pagbaha o iba pang sakuna na dulot ng masamang panahon.










Comments