PNP Angat, Nagpaalala sa Mahigpit na Pagpapatupad ng Bawal Bastos Law

Muling nagpaalala ang Angat Municipal Police Station (PNP Angat) sa buong komunidad ukol sa mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act No. 11313, o mas kilala bilang Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law.
Layunin ng kampanyang ito na siguraduhing ligtas ang lahat ng mamamayan—lalo na ang kababaihan at kabataan—mula sa anumang anyo ng gender-based sexual harassment sa mga pampublikong lugar, tulad ng kalsada, pamilihan, sakayan, at maging sa internet.
Kabilang sa mga ipinagbabawal at may kaukulang parusa sa ilalim ng batas ang pambabastos tulad ng catcalling, wolf-whistling, hindi kanais-nais na tingin o komento sa katawan, at panghihipo.
Nanawagan ang PNP Angat sa publiko na huwag mag-atubiling ireport agad sa kanilang tanggapan ang sinumang lumalabag sa batas upang mapanatiling ligtas at may respeto ang bawat pampublikong lugar sa Bayan ng Angat.










Comments