PNP Angat, Naglabas ng Gabay para Iwas-Lunod
- Angat, Bulacan

- Apr 26
- 1 min read

Sa gitna ng mainit na panahon at dagsaan ng mga pamilyang nagtutungo sa mga resort, ilog, at swimming pool, naglabas ng mahahalagang paalala ang kapulisan ng Angat upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan at maiwasan ang anumang insidente ng pagkalunod.
Binigyang-diin ng PNP Angat na ang "safety first" mindset ay dapat pairalin ng bawat isa upang matiyak na masaya at ligtas ang pagtatapos ng bawat bakasyon.
Ang pagkalunod ay maaaring mangyari sa loob lamang ng ilang segundo at madalas ay tahimik itong nagaganap. Hinihikayat ng PNP Angat ang mga magulang na maging "diligent" sa pagbabantay sa kanilang mga anak.
Ang PNP Angat ay patuloy na nagbabantay at handang magbigay ng serbisyo para sa isang "Handa, Ligtas, at Panatag" na bayan. Maging responsable, maging handa, at laging unahin ang kaligtasan.









Comments