PNP Angat Nagdaos ng Moral and Spiritual Program para sa mga PUPC

Isinagawa ng mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) ang isang aktibidad para sa Moral and Spiritual Strength ng mga Person Under PNP Custody (PUPC) ngayong Agosto 1, 2026.
Nagsimula ang naturang programa bandang 10:00 ng umaga sa Temporary Custodial Facility ng Angat MPS sa Barangay San Roque, Angat, Bulacan.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030 na naglalayong magbigay ng espiritwal na gabay, paghubog ng magandang pag-uugali, at pagpapanatili ng dignidad at kagalingan ng mga taong nasa ilalim ng kanilang pangangalaga.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, layunin ng PNP Angat na tulungan ang mga PUPC na magkaroon ng pag-asa at positibong pananaw sa buhay habang sila ay nasa loob ng pasilidad.










Comments