PNP Angat, Nagbigay ng Tips para sa Seguridad ng mga Motorsiklo
- Angat, Bulacan

- Apr 26
- 1 min read

Bilang bahagi ng kampanya ng kapulisan para sa seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan, naglabas ng mahahalagang paalala ang Angat Municipal Police Station (MPS) para sa mga motorcycle owners upang maiwasan ang krimen na motornapping.
Binigyang-diin ng PNP Angat na bagama’t patuloy ang kanilang pagpapatrolya sa bayan, ang pagiging mapagmatyag ng mga may-ari ng motorsiklo ay isang malaking tulong upang masugpo ang ganitong uri ng aktibidad.
Ipinaalala ng PNP Angat na ang seguridad ay responsibilidad ng lahat. Hinihikayat nila ang publiko na agad na tumawag sa himpilan kung may mapansing kahina-hinalang tao o aktibidad sa paligid.









Comments