PhilSys Step 2 Registration,
- Angat, Bulacan

- Aug 28
- 1 min read

Ngayong araw, Huwebes, Agosto 28, 2025 mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM, isinagawa sa loob ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang PhilSys Step 2 Registration. Layunin ng aktibidad na ito na bigyan ng pagkakataon ang lahat ng mamamayan na makapagparehistro para sa National ID—isang mahalagang dokumento para sa mas mabilis na transaksyon sa gobyerno at pribadong sektor.
Hinihikayat ang bawat isa, mula bata hanggang matatanda, na magtungo at magpatala upang maging bahagi ng programang ito na magsisilbing daan tungo sa mas maayos at inklusibong serbisyo publiko.
Narito ang mga requirements:
Para sa 0–4 taong gulang:
Orihinal na Birth Certificate ng bata
ePhil ID o Phil ID card ng magulang o awtorisadong kasama para sa linking ng PSN
Para sa 5–17 taong gulang:
Orihinal na Birth Certificate (Local/NSO/PSA)
School ID
Para sa mga nasa legal na edad:
Anumang Valid ID o dokumento gaya ng:
Barangay ID
Driver’s License
UMID
Passport
PhilHealth ID
Birth Certificate na may kasamang 1 ID (hal. 4Ps ID, TIN, Old SSS, School ID – lumang o kasalukuyan) para sa mga hindi kasal
Marriage Certificate na may kasamang 1 ID (hal. 4Ps ID, TIN, Old SSS, Senior Citizen ID) para sa mga kasal
Voter’s Certificate
Ang aktibidad na ito ay isa na namang hakbang ng Pamahalaang Bayan ng Angat upang ilapit ang serbisyo sa mamamayan at tiyakin na walang maiiwan sa pagkakaroon ng National ID.
Maraming salamat po, at tara na’t magparehistro na!









Comments