Ang Philippine Statistics Authority-Bulacan PSO katuwang ang Angat Municipal Civil Registry Office ay kasalukuyang nagsasagawa ng PhilSys Birth Registration Assistance Project (PBRAP).
Bumaba ang PSA-Bulacan PSO upang makipag-ugnayan sa Angat District Office para magbigay impormasyon ukol sa PBRAP. Ang pagpupulong na ito ay nilahukan ng ating District Supervisor Angelita C. Baltazar, OIC-MCR Gia Janelle C. Vergel De Dios at mga principal at head teacher ng elementarya at sekondaryang paaralan ng Angat.
Ang layunin ng proyektong ito ay matulungan na makapag REHISTRO ng LIBRE ang lahat ng mga Pilipino na hindi pa nakarehistro ang araw ng kapanganakan. Kasama rin dito ang mga ipinanganak sa ibang probinsya at nakatira na ngayon sa probinsya ng Bulacan.
Para po sa mga may UNREGISTERED BIRTH (wala pang birth certificate) magtungo lamang po sa Local Civil Registry Office (LCRO) sa inyong munisipyo para sa karagdagang impormasyon at pagpapalista para sa proyekto.
Maraming Salamat po!
Comments