top of page
bg tab.png

Passport on Wheels sa Angat: Mahigit 500 Aplikante, Natulungan

Ang Angat Municipal Gymnasium ay naging sentro ng aktibidad, sa pagsasagawa ng Passport on Wheels, isang programang pinangunahan ni Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin. Layunin ng programa na padaliin ang proseso ng pagkuha ng pasaporte para sa mga residente ng Angat, Bulacan.

Sa naturang programa, tinatayang mahigit kumulang 500 aplikante ang matagumpay na natulungan sa pag-aayos ng kanilang mga pasaporte. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaang bayan ng Angat, sa pamumuno ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, na mapaglingkuran ang ating mga kababayan.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang lokal na pamahalaan ng Angat sa mga kawani ng Department of Foreign Affairs at sa lahat ng mga nakatuwang sa pagsasakatuparan ng matagumpay na programa. Ang kolaborasyong ito ay patunay ng sama-samang pagkilos tungo sa mas maayos at episyenteng serbisyo publiko.

2 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page