top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Pasinaya ng Angat Super Health Center: Hakbang Tungo sa mas Maayos na Pangkalusugang Serbisyong


Ang pormal na pagpapasinaya ng Angat Super Health Center sa Barangay Taboc ay naganap kahapon, isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa bayan ng Angat. Ang programa ay sinimulan sa pamamagitan ng isang pagbabasbas na pinangunahan ni Rev. Fr. Jose Luis Perez, na sinundan ng ribbon cutting at inaugural ceremony.

Pinangunahan ang seremonya ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama ang Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at ilang mga pangunahing personalidad sa larangan ng politika at kalusugan. Dumalo rin si Sen.

Christopher Lawrence “Bong” Go, Bise Gobernador Alex Castro, Cong. Salvador Pleyto, at Kap Edsel Lopez na nagbigay ng kani-kanilang mga mensahe ng suporta. Kasama rin sa programa sina Bokal Art Legaspi, Bokal Jay De Guzman, at Corazon Flores, MD, MPH, CESO IV, Director IV ng Central Luzon Center for Health Development, pati na ang mga kinatawan mula sa Department of Health (DOH), mga punong barangay, mga pinuno ng iba't ibang tanggapan, Angat Kalusugan, at mga barangay health workers.


Ayon kay Mayor Reynante S. Bautista, ang bagong Super Health Center ay magiging malaking tulong para sa mga mamamayan ng Angat upang hindi na kailangan pang bumiyahe ng malayo para sa serbisyong medikal. Aniya, ang pasilidad na ito ay magiging alternatibong lugar para sa mga Angatenyo na may mga suliraning medikal habang wala pang pampublikong ospital sa ating bayan.

Sa kanyang talumpati, inalala ni Mayor Bautista ang groundbreaking ng Super Health Center na naganap noong Hulyo 3 ng nakaraang taon. "Ngayon po ay dumating na rin ang araw na matutupad na ang isa sa ating mga pangarap na madadagdagan ang pasilidad sa ating bayan na magbibigay ng libre at abot-kamay na serbisyong medikal sa mga Angatenyo," aniya. Idinagdag pa niya na ang programang pangkalusugan ay napakahalaga para sa kanya at inaasahan niyang magiging kapaki-pakinabang ang bagong pasilidad sa hinaharap para sa tunay, epektibo, at episyenteng serbisyo publiko.

9 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page